Mga proyekto ng BFAR RO2 na alinsunod sa eo 70, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang mga proyekto at programa sa ilalim ng basic services ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 2 alinsunod sa Executive Order 70 o NTF-ELCAC ng pamahalaan para sa mga rebel returnees.

Sa ibinahaging pahayag ni BFAR R02 Admin Officer IV Sherwin Buguina sa UP-UP Cagayan Valley ng Tactical Operation Group 2, nakatuon ang ahensiya sa pangangalaga at pagdevelop sa fisheries and aquatic resources sa rehiyon at bilang suporta umano sa EO 70 ay mayroong programa para sa livelihood assistance ng mga rebel returnee na lehitimong mga mangingisda.

Aniya, bukod sa mga rebel returnee ay naipapaabot na rin ng BFAR RO2 ang kanilang mga proyekto sa 26 na coastal municipality sa buong rehiyon kung saan nakatatanggap ng mga fiber glass boat at fishing gears ang mga mangingisda rito.

Kabilang din sa nabibigyan ng livelihood assistance ang mga kababayang Indigeneous people.

Dagdag pa niya, mayroon ding isinasagawang training ang BFAR RO2 sa mga mangingisda, rebel returnees at IPs para sa paggawa ng fishpond o fish cages at pangangalaga ng iba’t ibang uri ng isda upang mapalakas ang produksyon ng isda sa rehiyon.

Mayroon din aniyang suportang ibinibigay ang ahensiya sa mga grupo ng kababaihan o mga kabilang sa Rural Improvement Clubs sa lambak ng Cagayan na mga livelihood assistance at kagamitan para sa paggawa ng mga produkto gamit ang isda.

Samantala, nagpapatuloy din umano ang scholarship program ng anak ng mga mangingisda at IPs na gustong kumuha ng kursong Bachelor of Science in Fishery.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *