19 FCA sa Isabela, nakatanggap ng agri-machineries mula sa DA RFO2

Nakatanggap ng agriculture machineries, kagamitan at pasilidad maging ng irrigation network services ang 19 accredited Farmer’s Cooperatives and Associations (FCAs) sa lalawigan ng Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, pinondohan ang naturang mga ipinamahaging kagamitan sa ilalim ng Rice and Corn/Cassava Programs at High Value Crops Development Programs ng DA RFO2.

Ito ay kabilang sa pangunahing programa ng ahensya na nakatuon sa pagiging produktibo at kasapatan sa sektor ng palay at mais sa pamamagitan ng pangmatagalang interbensyon na kinabibilangan ng mechanization and post-harvest development services, irrigation support services, extension, education and training support services, rice research and development at production support services.

Sa ilalim ng rice program ay nakatanggap ng 1 unit ng combine harvester ang Mallig Dairy Cooperative, 1 unit four wheel drive tractor sa Blue Circle Grains Trading Agri-Cooperative, 1 unit four wheel drive tractor sa San Isidro North Agrarian Reform Cooperative, 2 units rice combine harvester sa Buenavista Multi-Purpose Cooperative of Santiago City at Diamantina SN Credit Cooperative, 4units of four-wheel drive tractor with implements sa 4 na irrigators association mula sa Naguilian, Jones at Santiago City.

Kabilang din sa nakatanggap ng limang unit ng PISOS ang Villa Luna Multi-Purpose Cooperative ng Cauayan City at limang unit ng hand tractor with trailer naman ang ibinigay sa 5 irrigators association mula sa Angadanan, Mallig at San Mariano, Isabela.

Habang sa ilalim naman ng corn program ay natanggap ng 2 kooperatiba mula Echague at Jones ng 1 unit ng combine harvester with baler at 1 unit ng cassava chipper.

Pinaalalahanan naman ni DA Regional Director Narciso Edillo ang mga nakatanggap ng makinarya na alagaan at gamitin ito ng maayos.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Provincial Agriculturist Marites Frogoso sa DA RFO2 dahil ang mekanisasyon sa bukid ay isang malaking tulong sa lalawigan upang magkaroon ng sapat na suplay ng pagkain ang probinsya.

Bukod sa agri-machineries ay namahagi rin ang DA RFO2 ng iba’t ibang kagamitan bilang suporta sa Bantay sa Barangay (BABay ASF)  na magagamit sa pagkontrol at mapigilan ang maaring pagkalat ng ASF sa mga alagang baboy at suporta sa mga kwalipikadong venepisaryo ng programang INSPIRE o Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *