Pondo sa financial aid sa qualified college students – inilabas na ng DBM

Inisyu na ng Department of Budget and Management ang higit-kumulang P3.744B na pondo sa Commission on Higher Education para sa “Tulong Dunong” scholarship program ng komisyon.

Ito ay matapos aprubahan ni Budget Secretary Aminah Pangandaman ang paglalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) para sa naturang programa noong April 15.

Naniniwala si Pangandaman na malaking tulong ang proyekto sa mga estudyante, lalo na sa mga pamilyang nahaharap sa financial difficulty.

Inaasahang makikinabang sa pondo ang nasa 247,135 na mga estudyante na naka-enroll sa CHED-recognized public at private higher education institutions, sa 2nd semester ng AY 2023-2024, at 1st semester naman ng AY 2024-2025.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *