Mga taong palaging kulang sa tulog, may mataas na tyansa ng malalang COVID-19 – Harvard research

HARVARD –  Mataas ang tyansa na dapuan ng mas malalang COVID-19 ang mga taong may poor sleep history o ang mga madalas na kulang ang tulog.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng mga mananaliksik sa Harvard University.

Sa naturang pag-aaral ay kanilang tinanong ang 46,000 na mga partisipante kabilang na ang nasa 8,422 na mga nagpositibo sa COVID-19.

Sumagot ang mga ito sa mga katungan tungkol sa kanilang sleep duration, daytime sleepiness, insomnia at body clocks magmula noong 2006 at 2010.

Lumabas na ang mga nagpositibo sa COVID-19 ay may mataas na score sa pagkakaroon ng poor sleep habit history.

Poor sleep affects the immune system and blood clotting, both of which are key to the body’s fight against COVID-19, and “tracking sleep behavior may have importance in identifying those at increased risk for COVID-19 mortality and hospitalization,” pahayag ng mga nagsulat ng pag-aaral. | Reuters | Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *