Michael J. Fox, ginawaran ng honorary Oscar

Ginawaran si Michael J. Fox ng honorary Oscar para sa kanyang naging kampanya na pondohan ang Parkinson’s research, simula nang ma-diagnosed ng naturang neurodegenerative disease sa kasagsagan ng kanyang acting career.

Si Fox ay nakatanggap annual statuette for humanitarian work mula sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences.

Nakatanggap ito ng standing ovation mula sa crowd, bago ilarawan ang kanyang award bilang “wholly unexpected honor.”

Matatandaan na noong 1991, sa edad na 29, nadiagnose si Fox na may Parkinson’s, at sinabihang may 10 taon na lamang siya para magtrabaho, pero matapos pa ang pitong taon nang isapubliko niya ang sakit.

Si Fox na unang sumikat noong 1980s sa sitcom na “Family Ties,” sa NBC, ay nakalikom ng mahigit $1 billion para sa research ng naturang sakit. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *