Militar at hinihinalang mga rebelde, nagkasagupa sa Camarines Sur

NAGA CITY- Putukan ang narinig ng mga residente sa may Barangay Ayugao, Presentacion Camarines Sur, Biyernes ng umaga Nobyembre 25, 2022.

Sa ulat ng 83rd Infantry Battalion ng 9th Infantry Division Philippine Army , tinatayang nasa sampung mga New People’s Army o NPA ang nakasagupa ng kanilang tropa sa Barangay Ayugao  bandang ala-5:50 ng umaga.

Narekober ng mga militar ang isang M14 riffle at mga improvised explosive devices o mga pampasabog at subersibong dokumento.

May naiulat na nasugatan sa hanay ng gobyerno na nadala sa ospital at ngayon ay ginagamot pa.

Naniniwala ang mga militar na may mga nasugatan sa kabilang pamig dahil sa bakas ng dugo sa pinangyarihan ng bakbakan.

Nanawagan naman ang Battalion Commander ng 83IB na si Lieutenant Colonel Rodito Gotladera sa mga residente  na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan kasabay ng paghihikayat ng Philippine Army sa mga miyembro ng CPP-NPA-NDF na magbalik loob na lamang sa gobyerno sa tulong ng E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program na naglalayon na matulungan ang mga nagnanais na magkaroon ng mapayapang pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *