Babaeng my kasong 13 counts of Qualified Theft at nakatala bilang ika-9 sa Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Paracale nadakip sa Parañaque City

CAMARINES NORTE- Nagresulta sa pagkakadakip ng isang babaeng may patong-patong na kaso at nakatala bilang ika-9 sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Paracale ang ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga kapulisan SA BF Homes Parañaque City, Metro Manila

Ang akusado ay kinilalang si alyas Nikki, 24 anyos, isang office clerk at residente ng Paracale, Camarines Norte. 

Si Nikki ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Thirteen (13) counts ng Qualified Theft na ipinalabas ni Hon Judge Cornelio M. Roll mula sa Regional Trial Court Branch 38 noong Nobyembre 17, 2022

Nagkakahalagang Php 94,000.00. ang pyansang inirekomenda ng korte para sa pansamantalang kalayaan nito

Kasalukuyang nasa kusotidya na ng himpilan ng pulisya  ang nasabing akusado upang kaharapin ang kaso laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *