Kaso ng Teenage Pregnancy sa Capalonga tumaas noong 2021

CAMARINES NORTE- Tumaas ang mga kaso ng maagang pagbubuntis o Teenage Pregnancy sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte noong 2021.

Ayon sa datos ng Lokal na Pamahalaan kung noong taong 2020 ay umabot sa 36 ang bilang, noong 2021 naman ay halos nadoble ito o naging 60.

Kaugnay nito ay nagsagawa ng Orientation ang LGU sa ilang mag-aaral upang makapagbigay ng kaalaman at linaw patungkol sa tumataas na kaso ng Teenage Pregnancy sa naturang bayan.

Tinalakay ito ni G. Eruel Jess M. Balce, Population Program Officer II at ipinaliwanag ang mga bagay- bagay patungkol sa maagang pagbubuntis upang mabigyan ng angkop na kaalaman hinggil dito ang mga participants.

Ang Teenage Pregnancy ay ang pagdadalang tao ng isang babae na wala pa sa hustong gulang ng pagbubuntis.

Karaniwan umano itong nagaganap sa edad na 13-19 taong gulang o sa panahong adolescence.

Kabilang sa mga dahilan ng Teenage Pregnancy ay ang Peer Pressure, Curiosity, Family Problem. Alcohol and Drugs, To much Love, Exposure to Porn at Lack of Education.

Ayon sa LGU ang mga ganitong aktibidad na kapupulutan ng aral ay makatutulong sa mga kabataan upang sila’y may alam at maging gabay nila at para mas maging maingat at hindi maging mapusok sa pagdedesisyon.

PHOTO: NEW LGU CAPALONGA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *