Miyembro ng Arnolfo Teves- Terrorist Group na may kasong pagpatay, arestado sa Nueva Ecija

Arestado ng mga awtoridad sa Talugtug, Nueva Ecija ang isang miyembro ng Arnolfo Teves-Terrorist Group na wanted sa kasong pagpatay.

Sa ulat ng Talugtug Police Station, kinilala ang suspek na si Richard Namoco Quadra, isang poultry caretaker at residente ng Sta. Catalina, Negros Oriental.

Naaresto si Quadra kahapon ng mga operatiba ng Nueva Ecija at Negros Oriental PNP sa bisa alias warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Amelia Lourdes Uy Mendoza noong July 30, 2021.

Samantala, sa ginawang search kay Quadra, nakumpiska pa sa kanya ng mga awtoridad ang dalawang baril na loaded ng mga bala.

Dahil dito, sasampahan din ang suspek ng paglabag sa RA 10591 at Omnibus Election Code dahil sa umiiral na gunban.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Talugtug Police Station ang suspek para sa kanyang tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *