MMDA at PCG nagkasundo para mapaganda ang serbisyo ng Pasig River Ferry Service

Nagkasundo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Coast Guard (PCG) na mapaganda pa ang serbisyo ng Pasig River Ferry Sevice.

Kaugnay nito isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan nina
MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes at Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan kasama ang iba pang mga opisyal ng dalawang ahensiya.

Batay sa MOA ang PCG ang mangunguna sa pagpapatakbo ng mga bangka at mamamahala sa seguridad.

Ang MMDA naman ang tutok sa administrative at clerical operation ng ferry.

Palalakasin din ang Pasig ferry sa pagtugon sa panahon ng kalamidad at sakuna. Ang mga bangka at iba pang kagamitan nito ay magagamit para sa mga marine disaster-related activities.

Magkakaroon din ng Joint Water Search and Rescue Training para sa mas epektibong disaster response.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *