Sexy actress na si Angeli Khang, ‘no-show’ sa hearing sa kasong inihain ng isang grupo

Absent sa preliminary investigation ng Pasay Prosecutors Office ang aktres na si Angelie Khang matapos itong kasuhan sa kasong paglabag sa Revised Penal Code in relation to Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon sa humarap na abogado na si Atty. Roxas, hindi makadadalo sa naturang imbestigasyon si Khang.

Dahil dito ay umaasa ang Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Incorporated, magpapakita na ang aktres sa hearing na gaganapin sa November 16 upang magsumite ng kanyang counter affidavit.

Mababatid na dismayado ang naturang samahan sa pagpo-post ni Kang ng umano’y malalaswang content gamit ang verified social media page nito na siyang may masamang epekto umano sa kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *