MOA sa pagitan ng DTI at CNSC na naglalayong isama sa curriculum ang consumer education ilalarga na

CAMARINES NORTE- Nakatakdang selyuhan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Camarines Norte State College (CNSC) na naglalayong isama sa curriculum ang consumer education.

Gagawin ang pirmahan ng MOA sa Biyernes, October 7 na dadaluhan ng mga opisyal ng dalawang ahensiya.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Consumer Protection Division Head Alvin Sayno ng DTI Camarines Norte, ipinaliwanag nito na ang pinaka konsepto ng naturang kasunduan ay maisama ang consumer education sa curriculum ng eskwelahan.

Aniya nais ng DTI na maitaas ang level of awareness ng mga estudyante dahil mayroon na ang mga itong purchasing power.

Dahil mayroon nang allowance ang mga ito ay bumibili na sila ng mga produkto st serbisyo kaya importante umanong mataas na rin ang kanilang kamalayan sa consumerism.

Kasabay ng MOA signing ay gagawin na rin ang Youth consumerism seminar na dadaluhan ng first year students ng naturang eskwelahan

Ang proyekto umanong ito ng DTI Camarines Norte ay ire- replicate na rin ng iba pang mga lalawigan sa Bicol.

Ayon pa kay Sayno, bagamat dati na rin nilang ginagawa ang consumer education sa mga eskwelahan mas mainam umano ito dahil magiging bahagi na ito ng general courses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *