Paris, nakiisa narin sa mga French cities na magbo-boycott sa Qatar World Cup fan zones

Hindi mag-oorganisa ang Paris ng fan zones para sa FIFA World Cup na gaganapin sa Qatar, dahil umano sa social at environmental issues.

Unang nag-boycott ang mga lungsod ng Lille, Marseille, Bordeaux, Strasbourg at Reims kung saan hindi na umano mag-oorganisa ang mga ito ng public viewings.

Ayon kay Paris’ deputy mayor of sport, Pierre Rabadan, hindi umano ito ang model na nais nila i-promote para sa major events sa Paris.

Binigyang diin naman ni Rabadan na kinokondina nila ang human rights abuse at environmental concerns sa Qatar.

Sinasabi kasing simula nang manalo ang Qatar sa bid para maghost ng World Cup noong 2010, nasa mahigit 6,500 nang migrant workers ang namatay sa naturang bansa.

Karamihan umano sa naturang workers, ay sinasabing kasama sa low-wage, dangerous labor para sa pagsasagawa ng infrastructure bilang paghahanda sa naturang event, na kadalasa’y ginagawa sa ilalim ng tirik na tirik na araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *