Moderna, Merck drug makers , inanunsyo ang positibong resulta sa trial ng bakuna laban sa skin cancer

Inanunsyo ng Moderna at Merck drug makers ang positibong resulta sa isinagawa nilang trial upang makagawa ng personalize vaccines para sa mga pasyenteng may skin cancer.

Napatunayan ng mga drug makers na makahalaga ng messenger RNA technology sa pagbuo ng mga bakuna laban sa COVID-19 at matagal nang naniniwala ang mga siyentipiko na makakatulong ito sa paglaban sa iba pang mga virus at sakit tulad ng cancer.

Sa premiliminary trial, 150 katao na wala ng melanoma tumor ang binigyan ng hanggang siyam na doses ng experimental vaccine kasama skin care treatment na Keytruda.

Sa trial , nagpakita ito ng 44 percent ng pagbawas sa panganib at relapse kumpara sa mga pasyente na ginagamot lamang sa Keytruda, isang immunotherapy na gamot.

Malapit nang i-publish ng Moderna at Merck, na kilala bilang MSD sa labas ng North America ang buong resulta ng pag-aaral. Maglulunsad din ang mga kumpanya ng Phase 3 trial sa 2023, na kinabibilangan ng mas malaking bilang ng mga pasyente.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *