Ukraine, nangangailangan ng 800 million euros emergency aid para sa kanilang energy sector

Nangangailangan ngayon ng humigit-kumulang 800 million euros emergency aid ang bansang Ukraine para sa sektor ng enerhiya nito upang matulungan ang bansa matapos ang pambobomba ng russia sa kanilang mga imprastraktura.

Ginawa ni President Volodymyr Zelensky ang kahilingan sa international confenrence sa Paris na layong makalikom ng materyal at pera upang ayusin ang mga nasirang imprastraktura sa Ukraine.

Ang conference ay pinangunahan ni French President Emmanuel Macron na may matibay na relasyon sa Ukraine.

Sinabi ni Zelensky na ang Ukraine ay nangangailangan ng mga transformers, kagamitan upang ayusin ang mga nasirang high-voltage power lines, pati na rin ang mga generators at gas turbine.

Hinimok ni Zelensky ang G7 nations noong Lunes na magbigay ng two billion cubic meters ng karagdagang gas upang malagpasan ang taglamig pati na rin ang mga tanke at missiles upang patuloy na labanan ang invasion ng Russia.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *