NBA, naglabas ng anim na bagong disenyo ng tropeo para sa mga nangungunang performers sa pagtatapos ng season

Naglabas ng anim na bagong disenyo ng tropeo ang NBA na lahat ay pinangalan sa mga legends ng basketball at ibibigay sa mga nangungunang performers sa pagtatapos ng season.

Sinabi ni NBA commissioner Adam Silver, ang MVP ng liga ay gagawaran na ngayon ng The Michael Jordan Trophy na nagtataglay ng pangalan ng NBA legend na itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na manlalaro sa NBA.

Limang beses na nakakuha ng MVP honors si Jordan sa kanyang tanyag na karera, habang nanalo rin ng anim na NBA championships at anim na NBA Finals MVP awards.

Samantala ang iba pang NBA individual awards ay ang Defensive Player of the Year: Hakeem Olajuwon Trophy, Rookie of the Year: Wilt Chamberlain Trophy, Sixth Man of Year: John Havlicek Trophy, Most Improved Player of the Year: George Mikan Trophy at Clutch Player of the Year: Jerry West Trophy.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *