Most wanted na construction worker, tiklo sa San Juan, Batangas

Nasa kustodiya na ng Rosario Municipal Police Station ang lalaking most wanted sa kasong Lascivious Conduct matapos na maaresto sa Brgy. Calitcalit, San Juan, Batangas.

Kinilala ng Rosario MPS ang akusado na si Emeterio Carandang Culipapa, isang construction worker.

Sa report na ipinaabot sa Brigada Batangas ni PMaj. Ronnie B Aaurellano, hepe ng Rosario MPS, naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest dakong alas-3 kahapon ng hapon, Oktubre 4, 2023.

Hindi na ito nakapalag pa matapos na arestuhin ng pinasanib ng puwersa ng Rosario MPS, San Juan MPS at iba pang puwersa mula sa Batangas PPO.

Ang kaso nito ay may rekomendadong piyansa na P200,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *