Motornapper, arestado sa San Juan, Batangas

Arestado sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad ang isang suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Brgy. Buhay na Sapa, San Juan, Batangas.

Kinilala ng San Juan Municipal Police Station ang naarestong suspek na si Richard Saquido y Buan, 26-anyos residente ng Sitio Ulbok, Barangay Castañas, Sariaya Quezon.

Nakatakas naman ang mga kasabwat nito na sina Jerome Almazan y Casao, residente ng Sapangan, San Juan, Batangas at John Lester Landicho Manalo tubong-Tiaong, Quezon.

Ang ninakaw na kulay silver na Fury AX125A motorcycle ng mga suspek ay pagmamay-ari ng biktimang si Lyka Sedaria y Sera, 29-anyos at residente ng Barangay Buhay na Sapa sa naturang bayan.

Ayon sa otoridad, tumawag sa kanilang himpilan ang mga opisyal ng barangay kung saan naaresto ang mga suspek at inireport sa mga ito na may insidente ng motornapping sa nabanggit na lugar.

Ang ninakaw na motorsiklo umano ay naka-schedule sana para sa pagpapaayos sa isang motorshop.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng nabanggit na himpilan ang suspek at ihinahanda na rin ang kasong paglabag RA 10883 o ‘New AntiCarnapping Act of 2016 (Motornapping).

Samantala, patuloy na nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa dalawang nakatakas na mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *