Mga pag-ulan, maaari pa rin umanong maranasan kahit nasa gitna ng El Niño – APSEMO

LEGAZPI CITY – Sinagot na ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) ang tanong ng karamihan kung bakit nagkakaroon pa rin ng mga pag-ulan maging ng low pressure areas sa kabila ng El Niño advisory ng PAGASA.

Binigyang-diin ni APSEMO Chief Dr. Cedric Daep sa press briefing na maaari pa ring makaranas ang mga lugar ng mga pag-ulan kahit nasa gitna ng El Niño.

Ayon sakanya, ganoon talaga iyon, sa katunayan maaari nga ring mangyari na El Niño ngunit bumabagyo.

Paliwanag niya, isa kasi sa mga depinisyon ng El Niño ay ang “lack of water” ngunit hindi naman ito nangangahulugan na wala talagang tubig.

Subalit, kapag nagkataon aniyan na nagkaroon ng isang bagyo sa gitna ng nasabing phenomenon, asahan na mas magiging malakas ito sapagkat pumasok ito sa mainit na panahon.

Samantala, idinagdag din ni Daep na kamakailan ay hindi naman umabot sa mahigit 3mm ang average per hour ng rainfall amount ng mga pag-ulan sa lalawigan.

Napakalayo umano sa threshold nitong 60mm per hour na maaaring maka-trigger ng lahar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *