Movie industry, nagpiyesta sa pagka-nomina ni Dolly de Leon bilang Best Supporting Actress sa Golden Globe Awards

Nagpiyesta ang movie industry sa pagka-nomina ni Dolly de Leon bilang Best Supporting Actress sa Golden Globe Awards.

Ito ay para sa nakakabilib niyang performace sa international movie na Triangle of Sadness.

Halos lahat ng mga nakapanood ng pelikula ay nagsabing hahakot ng award si Dolly dahil tumodo siya sa kanyang karakter bilang si Abigail, ang Pinay cleaning lady na naging leader ng mga pasaherong naka-survive sa isang cruise ship.

Nagpasalamat naman ang aktres sa Hollywood Foreign Press Association para sa natanggap na nomination.

Bago nga ito, hinirang din siyang best supporting performer sa Los Angeles Film Critics Association at nominado rin bilang Best Supporting Actress sa ika-27 Satellite Awards ng International Press Academy sa US.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *