Mahigit sa P30,000 natangay sa hold-up sa Koronadal

KORONADAL CITY — MAHIGIT sa P30,000 ang natangkay ng mga suspek sa nangyaring hold-up sa isang panel ng sigarilyo na maghahatid sana ng kanilang produkto sa mga tindahan sa Purok Garcia, Barangay Rotonda, Koronadal City kaninang tanghali.

Biktima sa nasabing hold-up ang driver at kasamahang ahente na si Marlon Gellesania, nasa legal na edad at kapwa mga residente ng Tacurong City na sakay ng isang mini wing van na may plate number NBQ-7125.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Gellesania, sinabi nitong kabababa lamang nila sa sasakyan upang maghatid ng stocks ng sigarilyo sa isang tindahan nang tinutukan ang mga ito ng baril ng dalawang mga suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Nagdeklara umano ng hold-up ang mga ito at kinuha ang bag na may lamang koleksyon na nagkakahalaga ng mahigit sa P30,000.

Agad namang tumakas ang dalawang suspek matapos nagawa ang krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *