Ronnie Alonte, nilinaw na 1B coins at hindi 1B pesos sa crypto-currency ang nawala matapos mabiktima ng basag-kotse sa Cavite

Nilinaw ni Ronnie Alonte na hindi 1B pesos kundi 1B crypto-currency coins ang nawala sa kanila ng kasintahang si Loisa Andallo matapos mabiktima ng bukas-kotse gang sa Cavite kamakailan.

Matatandaan , nakuha sa kanila ang iPhone 11 at iPhone 13 kung saan naka-save ang kanilang crypto-currency investment na ang face value ay 1 billion, pero paglilinaw ni Alonte na hindi ito katumbas ng perang isang bilyong piso.

Sabi pa ng aktor, ang katumbas nito sa peso ay 1 million pesos at ito umano ang kanilang investment sa crypto-currency.

Samantala, nakilala na umano ang mga suspek ng nagbasag ng kanilang kotse.

Hinihintay na lang ng showbiz couple na hulihin ito ng mga pulis at kasuhan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *