MTRCB, pinagtibay ang pagsuspindi sa 2 programa ng SMNI

Ibinasura ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang motions for reconsideration na isinumite ng Sonshine Media Network International (SMNI) kaugnay ng suspension na ipinataw sa 2 programa nito.

Pinagtibay nito ang desisyon na muling suspendihin ang mga programa ng SMNI na “Gikan sa Masa, Para sa Masa” at “Laban Kasama ang Bayan” dahil sa unconvincing at inulit lamang ang mga puntos sa naunang isinumiteng motions for reconsideration.

Ayon sa MTRCB, ang paunang desisyon na suspindihin ang mga programa ay nag-ugat sa maraming reklamo hinggil sa umano’y paggamit ng mga death threat at bastos na pananalita ng isang panauhin sa Gikan sa Masa, Para sa Masa noong oktubre nang nakaraang taon.

Samantala, noong Martes, inutusan ng National Telecommunications Commission ang Swara Sug Media Corporation, na nagpapatakbo ng SMNI, na ihinto muna ang mga operasyon nito habang nakabinbin ang pinal na desisyon sa nagpapatuloy nitong kasong administratibo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *