Itzy, may pasabog sa comeback!

Balitang K-Pop pa rin tayo ngayong umaga mga KaBrigada at heto na ang exciting part para sa mga Midzys!

Na-release na kasi kahapon ang music video ng comeback song ng Itzy na pinamagatang ‘Sneakers’

Bahagi ito ng kanilang latest mini album na ‘Checkmate’.

Ito na ang ikalima nilang mini album.

Kuwento ng kanilang leader na si Yeji, ang kahulugan daw ng kantang ‘Sneakers’ ay bigyan ang mga listeners ng ‘feel good’ at ‘freeing moment’.

Bago pa man ang release ng mini-album, mayroon na ito kaagad na 720,000 na pre-orders.

As of this writing, tumabo na kaagad sa higit 7 million views ang music video nito sa YouTube 10 hours matapos ang upload sa JYP Entertainment channel; habang halos 1 million views naman ang performance video nito sa Studio Choom channel 6 hours matapos ang premiere.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *