Nabakunahan sa lungsod ng Sorsogon, umabot na sa mahigit 18 libo

SORSOGON CITY – Umabot na sa halos 18,258 ang mga nabakunahan kontra Covid-19 sa Sorsogon City.

Sa pinakahuling tala na ipinalabas ng Sorsogon Provincial Health Office (SPHO), aabot sa 9, 142 ang nabakunahan sa West district; 5, 406 naman sa East district habang sa Bacon district ay may nabakunahan na aabot sa 3, 710.

Ang bilang ng mga nabakunahan ay mula sa A1 hanggang A3 priority group para sa first at second dose.

12, 778 na ang partially vaccinated habang 5, 480 ang fully vaccinated.

Ayon sa mga health officials, marami pang mga bakuna ang darating kung kaya’t magpapatuloy pa ang pagbabakuna.

Aniya pa, itong darating na Biyernes, Agosto 6 ay inaasahang darating sa lalawigan ang 1,600 doses na Moderna vaccine.

Leave a Reply

Your email address will not be published.