Naga City Bantay Familia problemado sa  over staying na sa Children’s Home

NAGA CITY – Maraming mga bata na nasa children’s home ng Bantay Familia ang over staying na sa shelter dahil ayaw na itong kunin ng kani-kanilang mga magulang.

Mahigit sa 20 ang mga bata sa children’s home at ang bilang na ito ay sobra na kaya dapat na silang maibalik sa kanilang sariling pamilya, subalit ang nakakalungkot ay ayaw kunin ng mga magulang nila.

 Sa sitwasyong ito,problemado sina City Vice Mayor Cecilia “Nene” de Asis ang head ng Bantay Familia dahil ang dapat na nasa shelter na mga bata ay mga biktima ng pang aabuso pisikal, sekwal at iba pang karahasan.

Batay sa panayam ng Brigada News FM Naga kay de Asis, nabanggit nito na karamihan sa mga batang over staying na sa shelter ay mga street children na dalawang araw lamang dapat sa kanila.

Sa ngayon, muli silang makikipag-ugnayan sa pulisya at barangay para makiusap na limitahan ang pagdadala ng mga street children sa kanilang opisina.        

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *