P23k cash, ninakaw ng 12 anyos sa isang karenderya sa Puerto Princesa

Bistado ang ginawang pagnanakaw sa isang karenderya sa bahagi ng Baltan St. sa Barangay San Miguel, Puerto Princesa City nitong Linggo, March 19, 2023.

Ang may-ari ng tindahan ay si Ranger Sora ,37 anyos.

Sa blotter ng barangay, tumungo ito sa barangay at itinala ang nangyari kung saan nawawala ang kanyang pera na inipon sa loob daw ng dalawang buwan.

Sa tulong ng CCTV camera, natuklasan na isang 12 anyos na lalaki ang pumasok sa karenderya na sarado noong araw na iyon.

Kinagabihan, natunton umano ang kinaroroonan ng suspek ngunit P14, 590 na lang ang nabawi mula rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *