Nagastos ng gov’t sa pagbili ng 89M doses ng COVID vax, nasa $1-B na

Nasa 1 bilyong dolyar na ang nagastos ng pamahalaan sa pagbili ng mga bakuna kontra covid-19.

Sa ulat ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, umabot na sa $1 billion ang nagastos ng gobyerno ng Pilipinas para sa pagbili ng 89 million doses ng covid-19 vaccine.

Ang datos ay nagmula sa Department of Budget and Management (DBM).

Kaugnay nito, wala namang breakdown na naibigay o naipakita ang opisyal sa halaga ng bawat dose ng bakuna dahil iba’t-ibang manufacturer ang kausap ng pamahalaan.

Nanggaling ang pondo mula sa General Appropriations Act at Multilateral Financial Institution.

Nakikipag-koordinasyon na ang Malacañang sa DBM para naman sa halaga ng mga donasyong bakuna ng COVAX facility.

Samantala, sinabi naman ni testing czar Sec. Vince Dizon na 13.2 million doses na ang na-administered na bakuna sa buong bansa at sisikapin nil ana ngayong linggo ay umabot sa 14 million ang bilang ng mga lahat na mababakunahan. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *