Nakatambak na waterlily sa Bicol River, malaking tulong sa mga livelihood project ng Naga City

NAGA CITY – Nakatambak man , napakalaking tulong ang water lily sa Bicol River upang masupplayan ng raw materials ang mga livelihood project sa lungsod ng Naga.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Christopher June Zantua, Senior Environmental Management Specialist ng City Environment and Natural Resources Office, sinabi nitong regular naman nilang hinaharvest ang mga waterlily sa ilog upang maiwasan ang sobrang pagdami nito. Kapag sobrang dami na ng waterlily, ito rin ang nagiging dahilan upang mabara ang mga basura sa ilog at maipon ito sa ilalim.

Nitong nagdaang Biyernes lamang, nakakuha sila ng humigit kumulang 40 kilo ng waterlily kung saan ang mga ito ay binigay nila sa mga benepisaryo ng livelihood project sa barangay Mabolo upang gawing bag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *