Nasa 370k na halaga ng iligal droga, baril at mga bala nakumpiska sa ikinasang buybust operation sa Jose Panganiban Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nasa 370k na halaga ng iligal droga, baril at mga bala ang nakumpiska nang magkasa ng isang drug buy-bust operation ang pinagsanib pwersa ng mga otoridad sa may bahagi ng Purok-3, Barangay South Poblacion, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Sa isinagawang operasyon, naaresto ang suspek na kinilalang si alyas “Ogie”, 20 anyos, isang minero at residente ng Purok-1, Barangay Tagas, Paracale, Camarines Norte

ang nasabing suspek ay kabilang sa listahan ng High Value Individual (HVI) ng PNP.

Agad na inaresto ang nasabing suspek matapos na magpositibo ang isinagawang operasyon na kung saan nakabili dito ng iligal na droga ang umaktong poseur buyer.

Nakuha sa pagmamay-ari ng supek ang tinatayang nasa 54.2 gramo na may katumbas na halagang umaabot sa Php 370,600.00 ang kabuuan ng mga nakuhang iligal na droga.

Samantala, inihahanda na ng Jose Panganiban MPS ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 at paglabag sa RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”  laban sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *