Nasa 70 stranded sa Batangas Port, makakauwi na – PDRRMO

Inaasahang makakauwi na ngayong araw ang nasa 70 mga pasaherong stranded sa Batangas Port dahil sa epekto ng Bagyong Karding.

Sa panayam ng Brigada Batangas, sinabi ni Provincial Risk Reduction and Management Council Office (PDRRMO) officer Lito Castro, ngayong umaga ay inihatid na sa Batangas Port ang mga stranded na pasahero mula sa tinuluyan munang evacuation center sa Barangay Malainin, Ibaan, Batangas.

Sinabi ni Castro na katuwang ang Philippine Coast Guard o PCG-Batangas at Batangas PPO ay ligtas at maayos na nailipat mula sa Batangas Port ang mga stranded na pasahero kabilang ang mga bata sa evacuation sa Brgy. Malainin kagabi.

Sa pamamagitan ng mobile kitchen ay binigyan ang mga ito ng makakain at mga gamit sa pagtulog.

Dahil sa pagbabalik ng operasyon sa Batangas Port ngayong umaga ay inaasahang makakabiyahe na rin ang mga apektadong pasahero anumang oras ngayong araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *