Tatlong kumpletong SBDP sa bayan ng Casiguran, pinasinayaan

Tatlong proyekto ng Support to Barangay Development Program (SBDP) sa dalawang barangay sa Casiguran, Sorsogon ang pinasinayaan at itinurn-over sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng kani-kanilang Brgy Chairman.

Kabilang sa mga benepisyaryo na barangay ay ang Sta Cruz at San Pascual.

Ang proyekto na sinimulan noong nakaraang taon ay kinabibilangan ng Loacal access Road mjula sa Trece Martires hanggang Sog-ong sa Brgy Sta Cruz na nagkakahalaga ng P12M, Local Access Road sa Sitio Sampaloc hanggang Sitio Purog na nagkakahalaga ng P3M at health Station sa Brgy San Pascual na nagkakahalaga ng P2M.

Ang inagurasyon ay dinaluhan ng matataas na opisyal ng Phil Army na nakabase sa Sorsogon, mga opisyal ng PRO5 at SPPO, DILG, DPWH 5, NEDA 5 at mga opisyal ng LGU-Casiguran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *