Nasawi sa labanan sa Sudan umakyat na sa halos 200

Patuloy na sumisidhi ang nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng army at paramilitary group na tinatawag na Rapid Support Forces sa Sudan.

Umakyat na sa halos 200 ang bilang ng mga nasawi habang 1800 naman ang sugatan matapos ang tatlong araw na labanan.

Kabilang sa pinakahuling inatake ang tahanan ng ambassador ng European Union na si Josep Borell.

Ayon sa mga analysts, ang urban warfare ay dulot ng hindi matatag na bansa sa kabila ng panawagan ng regional at global ceasefire.

Nag-ugat ang sigalot kasunod ng negosasyon sa panukalang ianib ang Rapid Support Forces sa military ng Sudan bilang bahagi ng plano na buhayin ang civilian rule.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *