National ID dapat kilalanin ng mga ahensiya bilang “single” valid Identification ng bawat indibidwal

CAMARINES NORTE – Iginiit ng Philippine Statistics Authority (PSA) na dapat kilalanin ng mga ahensiya ang Philippine Identification System (PhilSys) bilang “single” valid identification ng bawat indibidwal.

Ayon kay PSA Camarines Norte Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao,  hindi pwedeng tanggihan ang national ID kahit ang ePhilID dahil itinatadhana ito ng batas.

Ikinatuwa naman ng PSA na ngayon ay wala na silang mga reklamong natatanggap na tinatanggihan ang national ID dahil “aware” na umano ang karamihan sa mga serye ng memorandum at Executive Order.

Muli ring ipinaliwanag ng PSA kung bakit walang pirma ng holder ang national ID. Aniya mas importante ang biometrics dahil unique ito at hindi nakokopya ang physical features kumpara sa pirma.

Nais din ng PSA na tumagal pa ang “partnership” nila ng Department of Social Welfare and Development dahil nakakatulong ang huli para madagdagan ang mga nagpaparehistro.

Makailang ulit namang sinusubukan ng Brigada News FM na kunan ng pahayag ang Philippine Postal Corporation para alamin ang update kung ilang physical Id card na ang naide- deliver.

Reklamao pa rin kasi ng marami na ang tagal ng pagdating ng kanilang mga physical Id card.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *