Provet sinagip ang mga pagala- galang aso sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE – Sinagip ng mga tauhan ng Provincial Veterinary Office katuwang ang Municipal Agriculture Office ang mga pagala- galang aso sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Sa dog cathing operation sa Barangay 6, nasa sampung aso ang kusang loob na isinurender ng ilang mga residente sa barangay 6. Ayon sa Municipal Information Office, tuloy- tuloy ang ganitong gawain ng LGU at Provet para mapigilan ang pagdami ng mga pagala- galang aso sa lansangan na isa rin sa nagiging sanhi ng pagkalat ng rabies.Noon lang nakatalikod na linggo, nasa 15 aso ang isinurender ng kanilang mga amo.

Ayon sa Department of Health, sa unang bahagi pa lang ng 2024 ay dalawa na agad ang namatay sa rabies sa lalawigan ng Camarines Norte. Malaki rin ang itinaas ng animal bite cases sa lalawigan sa loob ng apat na taon.

PHOTO COURTESY: Municipality of Mercedes – Public Information Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *