NBA: Dillon Brooks, pinagmulta ng $25K dahil sa pag-iwas sa media

Pinagmulta ng NBA si Memphis Grizzlies guard/forward Dillon Brooks ng $25,000 dahil sa paglabag sa mga panuntunan ng liga na namamahala sa media access.

Umalis siya sa court nang hindi nagbigay ng panayam sa mga reporters matapos ang season-ending 125-85 na pagkatalo ng Grizzlies sa host Los Angeles Lakers sa Game 6 noong Biyernes ng gabi.

Si Brooks ay nabigong lumahok ng tatlong beses sa postgame media availability sa unang round ng Western Conference playoff series.

Naging malamig ang relasyon ni Brooks sa press sa isang serye kung saan tinawag niya si LeBron James na “old” pagkatapos ng Game 2.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *