NBA, opisyal na inilunsad ang kampanyang ‘We Are All in the Finals’

Opisyal nang inilunsad ng NBA ang kampanya nito para sa paparating na 2023 NBA Finals.

Sa social media , naglabas ng trailer ang NBA na may temang “We Are All in the Finals” at nakibahagi ang mga sikat na sports figure at ambassadors.

Ginamit din sa trailer ang bagong single ni Adele na “Hometown Glory.”

Kasama sa trailer ang rapper at NBA ambassador na si Suga, skateboarding legend na si Tony Hawk, TV figure na si Jimmy Kimmel, NFL icons na sina Peyton at Eli Manning.

Kasama rin dito ang mga NBA legends na sina Magic Johnson at Larry Bird, na parehong nasa NBA Finals kasama ang Los Angeles Lakers at ang Boston Celtics.

Ang NBA Finals ay magsisimula sa June 2 (PH time).//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *