Negosyante, patay sa pamamaril sa Mabini, Batangas

Patay ang isang negosyante matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. San Juan, Mabini, Batangas.

Kinilala ng Mabini Municipal Police Station ang biktima na si Marlon De Torres Olla, 47 anyos, isang negosyante at residente ng Brgy. San Francisco ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, alas-8:30 ng gabi ng Hunyo 19, 2022, habang binabagtas ng biktima ang Brgy. San Juan sa Mabini patungo sa kaniyang tahanan.

Dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang nag-overtake sa sinasakyan nito at pinagbabaril ang naturang biktima at nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan.

Nadala pa ang bikitma sa pinaka-malapit na ospital subalit binawiaan na din ito ng buhay.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang limang pirasong basyo ng bala ng kalibre 45.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala at madakip ang mga naturang suspek sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *