OFW na umuwi ng Bicol dahil sa pandemya pumalo na sa 24k-OWWA Bicol

LEGAZPI CITY – Pumalo na sa mahigit sa 24 thousand na Overseas Filipino Workers (OFWs) na Bicolano ang nagsipag-uwian na ng dahil sa pandemic.

Ito ang kinumpirma ni Rowena Alzaga ang Regional Information Officer ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Bicol sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Alzaga, umaabot na sa 24, 508 na OFW ang umuwi na sa Bicol Region kung saan karamihan sa kanila ay pinauwi na ng kanilang employer, nawalan ng trabao o nagbabakasyon lamang sa bansa.

Aniya, sinagot rin ng ahensya ang mga gastusin sa mga returning Overseas Filipinos mula sa transportation, accomadation, foods, RT PCR test results at iba pa na hanggang sila ay makarating sa kanilang lugar o probinsya.

Base sa record, pinakamarami pa rin na umuwi na OFW sa kanilang mga Probinsya ay ang Camarinses Sur na umabot sa 9, 487, Albay 7, 154, Sorsogon 2, 949, Camarines Norte 2, 303, Masbate 1, 715 at 900 sa lalawigan ng Catanduanes.

Nilinaw din nito na hindi lahat na mga returning OFW’s ay myembro ng OWWA dahil karamihan din sa kanila ay mga undocumented na OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Inaasahan na patuloy pa rin madaragdagan ang bilang ng mga OFW na nagsisipag-uwian sa bansa.

Samantala kahapon aabot sa 65 mga OFw ang naitala na umuwi sa Bicol.

Pinakarami pa rin na na umuwi kahapon ang Cam sur na mayroong 26, sinundan ito ng Albay na may 17, Sorsogon naman ay pito, 6sa Masbate, 3 sa Catanduanes at 2 lamang sa lalawigan ng Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *