DELTA variant, pinakamaraming kaso ngayon ng COVID-19 sa buong mundo- WHO

Kinumpirma ng World Health Organization na nagiging   dominant variant na ng COVID-19 sa buong mundo ang Delta na unang nadiskubre sa India

Ito ang kinumpirma ni WHO chief Scientist Soumya Swaminathan  kasabay ng paghahayag niya ng pagkadismaya sa kabiguan ng CureVac vaccine candidate  sa trial na maabot ang  efficacy standard ng WHO.

Ipinaliwanag ni Swaminathan na ang kanilang pangamba ay dahil sa mas mabilis na transmission ng  Delta  kumpara sa ibang variant

Una nang nagkumpirma ang Britanya ng pagtaas ng infections ng Delta variant habang nangangamba rin ang Germany  na magiging mabilis din ang pagtaas ng infection sa kanilang bansa sa kabila ng  mataas na vaccination rates.

Matatandaan na nasa 13 variants ng virus ang nadiskubre sa study population ng CureVac  kung saan napag-alamang  47% effective  sa pag-iwas sa virus ang mga bakuna pero mas mababa sa 50% benchmark ng  WHO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *