Operasyon bantay colorum, ikinasa ng LGU daraga

LEGAZPI CITY – Nagbuo ng grupo ang Local Government Unit (LGU) Daraga para sa pagtututok sa Operasyon Bantay Colorum.

Sa inilabas na direktiba, itinalaga ang Public Safety Office (PSO) Daraga na mag-ikot, magbatay at manghuli ng mga clolorum na tricycle o mga walang prangkisa na nagpapasakay o kumukuha ng pasahero.

Maliban dito, binigyan ng mandato ang mga ito na hulihin ang mga driver na sumisingil na lampas sa aprobado na fare rate at maaaring sitahin maging ang mga tricycle na nakaparada sa hindi designadong lugar.

Layunin nito ay upang matigil na ang mga maling gawain ng mga driver na nagpapahirap sa mga pasahero na sumasakay ng tricycle.

Ayon naman kay Mayor Carlwyn Baldo, nakailang beses na umano itong nakakatanggap ng mga reklamo mula sa mga residente ng Daraga.

Aniya, sinasamantala o inaabuso ng ilang mga driver ang paniningil nang hindi angkop sa fare matrix.

Dahil dito ay binigyan ng kaukulang pansin ng lokal na pamahalaan ang mga reklamo ng DaragueƱo.

Sinabi pa Alkalde, pinag-aaralan na rin ang ginawang bagong fare matrix na magbibigay proteksyon sa mga pasahero at driver laban sa pandaraya.

Tiniyak nito, ang sinumang mahuhuling lumabag ay mapaparusahan sa kaukulang penalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *