PSA Bicol, nagsagawa ng mobile registration para sa PHILSYS

LEGAZPI CITY – Nagsasagawa ngayon ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng mobile registration sa mga barangay upang makapagrehistro sa Philippine Identification System (PHILSYS).

Ayon kay Cynthia Perdiz, ang Regional Director ng nasabing tanggapan, aminado ang PSA Bicol na kokonti na lamang ang pumupunta sa registration centers para sa PHILSYS.

Dahil dito, humihingi ng tulong ang ahensya sa mga barangay officials upang tukuyin sa kanilang lugar kung sino pa ang hindi pa nakakapagrehistro sa PHILSYS.

Dagdag pa nito, kung titingnan rin ang card production ay umaabot lamang sa 80K sa bawat araw ang nagagawang card, habang ang registration na isinasagawa ay umaabot sa 120K sa bawat araw.

Sinabi ng opisyal, hindi pa nakakaabot ang PSA Bicol na 20M para sa card production at 17M naman ang nakarehistro sa National Id sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *