Opposition senator, iginiit na ang poor performance ang nagdulot sa budget cut para sa NTF-ELCAC

Inihayag ni Senator Risa Hontiveros na ang hindi magandang performance ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC) ang nagdulot para sa budget cuts mula sa Senado.

Sinasabing 2% lang ang naaccomplish ng NTF-ELCAC sa kanilang mga proyekto mula sa nakaraang taong budget.

Ayon sa opposition senator, kailangang maipakita muna ng NTF-ELCAC na epektibo ang kanilang mga initiatives.

Dagdag ni Hontiveros, na ang pondo ay hindi mapupunta sa mga implementing agencies gaya ng health, social welfare and development at labor and employment departments, at iba pa.

Una nang sinabi ni House appropriations panel chairman at Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co na planong ibalik ng House bicameral committee ang budget ng NTF-ELCAC, habang aminado ang task force ang pagiging underperforming nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *