Senado, bubuo ng grupo para masusing pag-aralan ang panukalang Maharlika Wealth Fund

Iginiit ng ilang senador na kailangan pang pag-aralan ng mabuti at sagutin ang mga tanong kaugnay sa pagbuo ng panukalang Maharlika Wealth Fund.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, kailangan munang tiyakin na ang sovereign wealth fund ay kinakailangan ng bansa, maayos ng mabuti at nakalatag ang safeguards upang hindi ito malustay o maging prone sa corruption.

Dagdag ni Zubiri, bubuo siya ng grupo ng mga senador na kinabibilangan nina Senators Sonny Angara, Win Gatchalian, Grace Poe, Mark Villar, at Alan Peter Cayetano, para pag-aralan ng mabuti ang panukala at bigyan ng feedback ang Senador kaugnay sa kahalahagah ng Fund.

Sa ilalim ng House Bill 6398, o ang Maharlika Investment Fund Act na magtatatag ng sovereign wealth fund para sa Pilipinas, ay kukunin ang pondo mula sa major pension funds at government banks, gaya ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines (Land Bank), at Development Bank of the Philippines (DBP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *