Ordinansa sa Interzonal movement sa Albay aprobado sa SPA

LEGAZPI CITY – Aprobado na ng Sangguniang Panlalawigan ang Interzonal Movement of Person to in from the Province of Albay matapos pag usapan ng mga ito tungkol sa mga nagnanais pumasok sa Albay o lalabas ng kanilang lalawigan.

Ayon kay BM Eva Ribaya,Chairman ng Commmitte on Health ng Sangguniang Panlalawigan at author ng ordinansa, mas pinaigting pa ngayon ang ordinansa kaysa sa Executive Order no. 27 ni Gov. Al Francis Bichara upang sundin ng bawat mamamayan ang nakapaloob sa ordinansa.

Nakapaloob rin sa ordinansa ang nasa loob ng Albay ay hindi na kailangan pang magprovide o magpakita ng negative results sa border checkpoint ng lalawigan kung Bicol area lamang ang kanilang destination.

Tanging ipapakita lamang ng mga ito ang Letter of Exception na kung saan valid lamang ng 15 days habang outside Bicol area ay kailangan pa rin ng magpakita ng negative results. Nilinaw din nito sa mga albayano tanging contact tracing lamang ang kukuha ng negative results kapag magrerenew ng kanilang LOE.

Maliban pa rito, kung hindi naman lumabas ng Bicol Area na papasok sa albay ay hindi na rin nirerequired ng negative results kung ito ay full vaccinated na ang mga ito kung saan ipapakita lamang din nito ang LOE.

Ang ordinansa na ito ay layunin lamang na protektahan ang mga Albayano laban sa nakakahawa o nakakamatay na sakit sa covid 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *