Overcharging sa mga pasahero na patungong SM Mall nagiging problema na ayon sa grupo ng transport sector

SORSOGON CITY – Hindi paman nagbubukas ang SM Mall sa Sorsogon ramdam na ng mga pasahero ang hindi patas na singil sa kanila ng iilang tricycle driver.

Ito ang problemang unti -unting lumalala ngayon sa lungsod ayon sa Federation of Associated Sorsogon Tricycle Operators and Drivers (FASTOD).

Ayon kay Manuel Detera ang Presidente ng grupo hindi nila kinukunsinte ang ganitong gawain ng mga abusadong tsuper lalo na’t mayroon nang taripa na ipinalabas ang Lokal na Pamahalang Lungsod.

Paglilinaw ng opisyal P12-15 ang minimum fare sa bawat pagsakay sa tricycle habang hindi dapat lalagpas sa P20.00 ang singil kung ang biyahe ay papuntang SM Mall.

Anya, sa oras na hindi rito tumupad ang isang tsuper ay agad na ipaabot sa kinauukulan upang ito’y mapanagot dahil ito ay maituturing nang overcharging. Muli, panawagan ng opisyal sa mga tsuper na kahit ramdam ang krisis sa pasada ay lumaban pa rin ng patas dahil nakakasira ito sa imahe ng mga tsuper at nadadamay din pati ang mga tsuper na patas at namamasada ng tama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *