P15.7-B na benepisyo para sa mga health workers, nailabas na – DOH

Kinumpirma ng Department of Health na nailabas na ang mahigit P15.7 billion na benepisyo para sa mga healthcare workers.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na kabuoang P15,719,085,923 ang nadisbursed as of November 26, 2021.

Ayon sa DOH, ang datos ay batay sa latest statement of allotment, obligation, and balances (SAOB) at bahagi ng P16,229,088,025.2 na kabuoang halaga na nailabas.

Pagbabahagi ng DOH, P7,915,760,434 na special risk allowances (SRAs) para sa 486,585 health workers ang na-disburse kung saan saklaw nito ang December 20, 2020 hanggang June 30, 2021 na period, habang P6,555,957,185 ang nailabas para sa SRA at active hazard duty pay (AHDP) noong nakaraang taon para sa 315,652 at 390,662 medical workers.

Dagdag ng ahensya, ang meals, accommodation, and transportation (MAT) benefits na nagkakahagalaga ng P1,231,098,680 ay natanggap na ng 103,413 healthcare workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *