P15K na ayuda sa mga rice retailers – posible pa raw madagdagan ayon sa DSWD

Inaaral na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapataas sa one-time ayuda na P15,000 para sa mga apektadong retailers ng bigas.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian – nakausap na raw niya si Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa Executive Order No. 39.

Inatasan daw ni Marcos ang kanilang Kagawaran, katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) na ire-calibrate ang implementation nito.

Ibig-sabihin, may tiyansa pa raw na mag-adjust, o madagdagan ang ayuda para sa mga ito.

Matatandaang magmumula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ang P15,000 na ayuda ng DSWD.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *