P19.5M na halaga ng insentibo, iginawad ng Palasyo sa mga para athletes medalist

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pamamahagi ng insentibo at medalya sa mga para athletes medalist kaninang umaga sa Heroes hall ng MalacaƱang palace.

Ang awarding ay kasabay ng ika-34 na anibersaryo ng Philippine Sports Commission ngayong araw.

Nasa kabuuang 19.5million pesos na incentives ang pinamahagi ni Pangulong Marcos.

Sa kanyang talumpati, binigyang pugay ng Presidente ang mga para athletes at sinabi pang idinideklara nya ang kanyang sarili bilang cheerleader in chief.

Binigyang diin din nito na ang binigay na insentibo ay hindi lang monetary token, kundi ito rin ay simbolo ng pagmamahal at paghanga sa lahat ng kanilang sakripisyo para makapag uwi ng karangalan sa bansa.

Nabatid na nakakuha ng sampung gintong medalya, apat ang silver at limang bronze ang mga Pinoy para athletes at nagtapos sa ika-syam na pwesto sa katatapos na 4th Asian Para games na ginanap sa Hangzhou China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *