MWSS – pinabulaanan ang ulat na magkakaroon ng kabawasan sa suplay ng tubig

Hindi nakikita ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na magkakaroon ng kabawasan sa tubig sa mga kabahayan sa Metro Manila.

Ito ay kasunod ng mga lumabas na ulat na inaasahang magbabawas umano ng suplay ng tubig sa mga bahay sa rehiyon.

Ayon kay MWSS Division Manager for Angat Dam-Ipo Dam Operation Management Engr. Patrick James Dizon, mayroong 2 meters na buffer stock ng tubig para may magamit ang publiko hanggang summer.

Naging handa umano nang ahensya dito, lalo pa’t pinapaghanda sila ni Pangulong Bongbong Marcos noong nakaraang taon para maibsan ang malalang epekto ng El Niño.

Dagdag pa ni Dizon, direktiba ni Pangulong Marcos na i-adopt ang whole-of-government approach para matugunan ang epekto ng tag-init.

Kaninang umaga ay nasa 212.13 meters ang elevation sa Angat Dam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *